Pananaliksik Ukol sa Pakikiuso ng Mga Mag-aaral Sa Gitna ng Krisis Pangekonomiya




I. Big Panimula

A. Panukalang Pahayag

Ang mga mag-aaral(kabataan) ay nakikisabay sa uso sa gitna ng krisis pang-ekonomiya

B. Introduksyon/ Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang mga kadahilanan kung bakit nakikiuso ang mga mag-aaral sa gitna ng krisis pang-ekonomiya.Ang mga sumusunod ang mga katanungang kailagan masagot sa kabuuan ng pag-aaral:
1. Ano ang mga bagay o serbisyo na kanilang kinokonsumo?
2. Bakit nila kinokonsumo ang mga bagay na ito?
3. Ano ang mga alternatibong paraan na maari nilang gawin?



C. Rebyu/ Pag-unawa

Ayon sa isang manunulat sa isang blog na si mark: “For the reason na ang Pinas has been the Colony of Spain, for so many century, then Americans, then Japan, then Americans again and 'till now... Kaya nawala na ang Originality ng mga Pinoys...”

Ayon din sa isa pang forumer na si john: “kultura na ng pinoy e2..kung anu makita nating click,sikat,uso ginagaya natin para maging in tayo lalo na sa fashion...tapos sa negosyo ganun kya di na yan mawawala satin...part na yan ng kultura natin...walang originality...”


D.Layunin

Ang pangkalahatang layunin ng mga mananaliksik ay mapatunayan at maipahayag sa mga tao ang mga kadahilanan ng pagkonsumo ng mga mag-aaral sa mga mamahaling bagay o serbisyo kahit na hindi naman ito nila lubos na kailangan, kung para nga ba ito sa kanilang pangangailangan o para lamang sa sarili nilang interes upang hindi mapagiwanan sa mga uso sa paligid natin ngayon. At makapagbigay ng mga alternatibong solusyon sa problemang kinakahrap ng mga mag-aaral na ito, upang makatulong din sa mga magulang na gumagastos para sa kanilang mga anak.

E. Halaga
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay tumutulong na malaman ng mga magulang at mag-aaral o kabataan kung ano ang maaaring mabuti o masamang epekto ng pakikiuso ng mga mag-aaral.
Ang pag-aaral din na ito ay maaring magsilbi gabay sa publiko sa mga dahilan at epekto ng pagkonsumo ng mga ito. Ito rin ang magsisislbing inspirasyon at gabay sa mga mambabasa tungo sa araw-araw na pamumuhay dahilan ng maaring magbigay ito ng hustong impormasyon. Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa bawat tao at kung sino man matutulong ng pananaliksik na ito upang maging sa pagbili ng mga produkto o serbisyo.



Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sapagkat sa pamamaraan na ito ay maipapakita sa mga tao ang mga totoong dahilan sa pagkonsumo ng mga mag-aaral sa mga bagay bagay.


F.Konseptual o Teoretikal na Balangkas


Sa balangkas na ito makikita ang mga ugnayan ng bawat isa. Ang pinaka sentro ng balangkas na ito ay ang mag-aaral. Makikita rito kung paano naaapektuhan ang mag-aaral at kung ano ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa. Sa balangkas, makikita na ang mga mag-aaral ay may dahilan kung bakit kinakailangan makiuso. Una ay ang kadahilanang maging popular sa mga tao. Maaaring sabihin na kung ang isang tao ay may isang branded na gadget, ang taong iyo ay maaaring makilala dahil sa gadget na ito. Ang mga taong nagmimithing magkaroon ng gadget na tulad ng nabanggit ay unang magkakaroon ng idea tungkol sa pagkatao niya. Ang pangalawa ay ang kadahilanang magkaroon ng mga kaibigan. Sa panahon ngayon, ang tunay na kaibigan ay mahirap hanapin at tulad sa balangkas na ginawa ng mga mananaliksik, mayroong mga taong nagkakaroon ng mga kaibigan dahil sa mga bagay na meron sila. Sa madaling salita, ang isang mag-aaral ay nagkakaroon ng kaibigan dahil sa nakakasabay sila sa uso. At ang huli ay upang makisabay sa mga tao, ang mga mag-aaral sa ay nakikiuso upang makasabay sa komunidad. Sa balangkas na ginawa ng mga mananaliksik, konektado ang “benepisyong nakukuha” sa mga dahilan kung bakit nakikiuso ang mga mag aaral. Makikita na ito ay ginamitan ng broken lines, kaya ito ginamit ay dahil gusting ipahayag ng mga mananaliksik na ang mga resulta ng dahilan ay ito rin ang benepisyong nakukuha ng mga mag-aaral.

G. Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito ay kukuha ng mga kapakipakinabang na datos mula sa mga bagay na magbibigay ng pagsuporta sa pananaliksik, pagdagdag na kaukulang impormasyon ukol sa isyu lalo’t higit sa mga pamamaraan tulad ng survey, internet references at harapang interviews.

Isa sa mga pamamaraan ang sumusunod na survey q uestions.

Pananaliksik
“Pakikiuso sa Gitna ng Kahirapan”
UST-College of Commerce and Business Administration

Pangalan : ____________________________Kasarian: ____
Programa : ____________________________Edad : ____

Layunin: Ang Pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga dahilan kung bakit nakikiuso ang mga mag-aaral sa mga bagay na hindi naman nilang lubos na kailangan lalo na ngayon sa panahon ng krisis pangekonomiya dahil sa “Global Recession” .

I. Alin sa mga sumusunod na produkto ang iyo ng nabili? Itiman ang bilog.
Havaianas
Crocs
IPhones
Digital Cameras
IPods
PSP
Glutathione
Atbp. hindi nabanggit_________________________________


II. Alin sa mga sumusunod na serbisyo ang iyong nagawa o nabili? Itiman ang bilog.


Rebonding
Derma
Starbucks
Liposuctions
Atbp. hindi nabanggit_________________________________

III. Bakit mo ito binibili/kinokonsumo? Itiman ang bilog.

Para masabing “in”.
Para mapag-usapan ng mga tao.
Para gamitin sa pang-araw-araw.
Dahil sa angking kalidad nito.
Iba pang dahilan;
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________


Maraming Salamat Po!


H.Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pakikiuso ng mga Pilipino, lalo’t higit sa mga taong nasa siyudad, kung saan kinukunsumo ang mga produktong kinilala sa mga panahong ito sa gitna ng kahirapan.

Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang mga bagay na kanilang kinukonsumo na hindi naman kailangan bilhin, pansariling opinion ukol sa pakikiuso sa mga kilalang produkto/serbisyo. At reaksiyon sa pagkonsumo nito sa gitna ng krisis pang-ekonomiko at pambansa.

Ang mga produkto o serbisyong aming napili ay ang mga higit na kinikilala at binibili batay na rin sa karanasan ng mga mananaliksik.Sakop nito ang mga produktong tulad Havainas, Crocs, IPhones, Digital Cameras, IPods, PSP, Glutathione at mga serbisyo tulad ng Rebond, Derma, Liposuctions etc., Starbucks atbp.

Sakop nito, ang mga kabataan sa Unibersidad ni Santo Tomas, 50 sa Kolehiyo ng Komersiyo, 50 mula sa iba’t ibang mag-aaral na makakasalubong sa loob ng unibersidad.

Hindi sakop ng pananaliksik na ito ang iba pang mga produkto/ serbisyo sa ibang bansa. Bagkus, ang pananaliksik ay nakapaloob sa bisinidad ng maynila.

I. Daloy ng Pag-aaral
Tinatalakay sa unang parte ng pananaliksik ang tungkol sa mga bagay na kinokonsumo ng mga mag-aaral ngayon. At ang mga kadahilanan kung bakit nila ito binibili.
Ang ikalawang parte ng pag-aaral ay tatalakay sa mga paraan kung paano nakakainpluwensya ang mga bagay na ito sa kanilang pang araw araw na buhay.
Ang huling parte ng pananaliksik ay nakasentro sa mga epekto ng mga bagay na ito sa bawa’t indibidwal at ang mga paraan kung paano makikiuso sa panahon nang hindi kailangan gumastos ng malaking halaga.
II. Big Katawan






a. Small Panimula


Ayon sa librong poverty of the philippines:Income, Assets, Access. Itong tsart na ito ay nagpapakita ng kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Makikita dito na kakaunti lang ang mga sweldo ng mga pilipino at karamihan sa sweldo nila ay hindi napupunta sa pagbili ng pagkain kung hindi sa pagkonsumo ng iba pang produkto. Makikita rin dito na kahit noong 2003 ay hirap na at maliit ang kinikita ng mga taong nagtatrabaho.

Bilang isang mamamayan ay malaya ito sa pagkakaroon ng mga bagay na gusto nila, walang kumokontra hangga’t may pera silang pambili. Ngunit ano nga ba ang tunay na dahilan ng mga tao kung bakit nila ito kinokonsumo, kaya naman bilang isang mamamayan ito ang napili naming talakayin upang malaman ang totoong dahilan ukol sa paksang ito. Upang lubos na malaman ang kasagutan gumawa kami ng isang survey sa mga mag-aaral at narito ang naging resulta nito:
b. Small Katawan

Batay sa resulta ng survey, Ang Havainas ay may 53 bilang out of 100, ang Digital Cameras naman ay may 55 bilang out of 100 ang produktong may pinakamtaas na pagkonsumo, pumapangalawa naman dito ang Havaianas. Ang Crocs naman ay may 19 bilang out of 100,Ang Iphones ay may 9 bilang out of 100, Ang Ipods ay may 37 bilang out of 100, ang PSP ay may 29 bilang out of 100 At ang gluthatione ay may 3 bilang out of 100. Ayon din sa mga sumagot iba pang respondents sila ay kumonsumo rin ng mamahaling produkto tulad ng Laptop.








Ayon sa nagawang serbey ang pagtangkilik sa Starbucks ang nad-dominate sa mga pinagpiliang serbisyo na nagkaroon ng 83 bilang out of 100, 23 bilang out of 100 naman ang nag rerebonding, 20 bilang out of 100 naman sa Derma at 2 bilang out of 100 naman sa liposuctions. Ang pagpapamasahe at pagpapaspa ay ilan rin sa kanilang pinapagawa.






Batay sa resulta na nagawa alos magpantay naman ang mga dahilang “para gamitin sa pang-araw araw” na may 58 bilang out of 100 at “dahil sa angking kalidad nito” na nagkaroon ng 56 bilang out of 100, samantalang 5 bilang out of 100 naman ang nagsabing "para mapag-usapan ng tao" at 7 bilang out of 100 naman sa "para masabing in".

III. Big Pangwakas
a. Small Pangwakas
Batay sa mga nakalap na datos, Ipinapahiwatig ng resulta na ang Digital Cameras at Havaianas ang mga produktong higit na binili ng mga mag-aaral na nagpapaliwanag na mahilig kumuha ng mga larawan ang mga ito at mahilig maglakwatsa gamit ang Havaianas, gayundin ang pagbili ng Starbucks na nanguna sa mga pinagpilian na nagpapaliwanag na nahihilig ang mga mag-aaral sa pag-inom na malamig na kape upang pawiin ang kanilang mga uhaw. Ayon din sa mga nakalap na datos kinokunsumo nila ito dahil sa aking kalidad nito na maari nilang magamit ng pangmatagalan o sa pang-araw araw na pamumuhay. Ayon din sa tsart na nagpapakita ng kita ng mga Pilipino ay maraming pinagkakagastusan higit sa pagkonsumo nila ng pagkain. Maaaring ang upa sa bahay, pag-papaaral, damit, kuryente, tubig at mga bagay na kanilang kailangan sa pang-araw araw. Dahil dito lumiliit ang natitirang pera sa bawat pamilya. Ang mga baon na ibinibigay ng mga "middle class" families ay sapat lamang sa isang araw ng isang mag-aaral. Ngunit ang mga mag-aaral ngayon ay nahihilig sa pagkonsumo ng mga mamahaling produktong upang matustusan ang kanilang mga gusto.
b. Kongklusyon
Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang mga kabataan ngayon ay hindi naman pala kikonsumo ang produkto o serbisyong nabanggit upang makisabay lamang sa moderno panahon at makiuso sa iba bagkus ito ay dahil sa angking kalidad ng mga produkto/serbisyo nakapagdudulot sa kanila ng kaginhawaan at nagagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.


c. Rekomendasyon
Ang mga sumusunod ay ang mga alternatibong paraan upang maiwasan ang labis na pagkonsumo sa mga produkto o serbisyong nabanggit.

Produkto:

Bumili ng mga produktong de kalidad ngunit abot kaya ng budget.
Iwasan ang pagbili ng mga ito kung nasa mabuti pang kalagayan ang lumang gamit.
Maging mapanuri sa mga produktong bibilhin, huwag piliin yaong hindi nagbibigay saysay sa mamimili

Kung maari, ipaayos na lamang ang mga nasirang gamit upang makabawas sa gastos at sa kalat sa paligid.

Bumili lamang ng mga produktong ito kung kinakailangan lamang.

I-recycle ang mga lumang gamit, tulad ng maong na maaaring gawing bag o shorts.

Serbisyo:

  • Huwag masyadong abusuhin ang sarili sa pagpapaganda o pagpapaayos, sa halip maging simple at gumamit ng mga natural na pamamaraan.

  • Kung maari, pigilin o bawasan ang pagkonsumo sa mga fastfoods tulad ng Mcdonald's, Jollibee, KFC, Wendy's, Starbucks atbp. sa halip ay magluto na lamang o magbaon kung maari.

  • Tipirin ang baon, gamitin lamang ito sa mga pangangailangan at hindi para sa pakikiuso.


  • Maging mapanuri sa mga tindahan pupuntahan, huwag magpaloko sa mga ito. Isipin mabuti ang mga hakbang na gagawin.